Sa eskuwelahan pa lamang tinuturuan na ng tamang
pagpili ng mga pinuno ng may dangal, may sapat na talino, at kayang panindigan
ang kanyang tungkulin sa ano mang oras. Ang pagiging isang pinuno ay malaking
responsibilidad hindi lamang sa sinasakupan mo, ngunit pati rin sa nakapaligid
sayo simula sa pamilyaa, kaibigan, kaklase at pagiging mabuting pinuno o modelo
sa mga mag aaral.
Ang Parada National High School ay nagkaroon ng
paghahanap ng dalawang partidong kumakandidato para sa mga opisyal ng paaralan.
May kanya kanyang layunin na nais gawin upang mabigyan ng maayos na pamamalakad
ang paaralan. Ika-27 ng Pebrero taon 2017 nagkaroon ng tapatan ang dalawang
partido upanag maipahayag ang kanilang mga plataporma na nais na gawin o
ipatupad sa ating paaralan. Mga dapat baguhin at ipatupad ay ipapasa na ng
bagong mamumuno. Unang hakbang para sa tahak ng mabuting pamumuno at upang
bigyan ng maayos na disiplina ang mga kabataan na sa susunod na mga taon ay
magiging manggagawa ng ating bansa.
Ang kabataang mga kumakandidato sa bawat posisyon ay
nahuhubog na ang kanilang kakayanan sa pamamahala ng isang eskuwelahan. Dito sa
paaralan mas mapapalago pa ang kanilang mga kaalaman tungkol sa pamamahala ng
mabuti sa kabataan. Matutong piliin ang tamang ehemplo na magiging modelo ng
pangkalahatan. Sa isip at sa salita maging tama sa pagpili ng panibagong
pinuno.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento