Lunes, Pebrero 27, 2017

Pagpili ng Tamang Pinuno

                  Sa eskuwelahan pa lamang tinuturuan na ng tamang pagpili ng mga pinuno ng may dangal, may sapat na talino, at kayang panindigan ang kanyang tungkulin sa ano mang oras. Ang pagiging isang pinuno ay malaking responsibilidad hindi lamang sa sinasakupan mo, ngunit pati rin sa nakapaligid sayo simula sa pamilyaa, kaibigan, kaklase at pagiging mabuting pinuno o modelo sa mga mag aaral.




                 Ang Parada National High School ay nagkaroon ng paghahanap ng dalawang partidong kumakandidato para sa mga opisyal ng paaralan. May kanya kanyang layunin na nais gawin upang mabigyan ng maayos na pamamalakad ang paaralan. Ika-27 ng Pebrero taon 2017 nagkaroon ng tapatan ang dalawang partido upanag maipahayag ang kanilang mga plataporma na nais na gawin o ipatupad sa ating paaralan. Mga dapat baguhin at ipatupad ay ipapasa na ng bagong mamumuno. Unang hakbang para sa tahak ng mabuting pamumuno at upang bigyan ng maayos na disiplina ang mga kabataan na sa susunod na mga taon ay magiging manggagawa ng ating bansa.
                 Ang kabataang mga kumakandidato sa bawat posisyon ay nahuhubog na ang kanilang kakayanan sa pamamahala ng isang eskuwelahan. Dito sa paaralan mas mapapalago pa ang kanilang mga kaalaman tungkol sa pamamahala ng mabuti sa kabataan. Matutong piliin ang tamang ehemplo na magiging modelo ng pangkalahatan. Sa isip at sa salita maging tama sa pagpili ng panibagong pinuno.